Lumaktaw sa pangunahing content


Hugas Kamay

(Angkop sa Kabanata IX : Si Pilato)

Ang pagmamalinis o paghuhugas kamay ay isang gawain ng isang tao na kung saan ang tao ay inaangkin ang gawa kung ito ay tama o napalagay sa isang maganda na pangalan, ngunit kung ito naman ay napalagay sa masama o pangit na sitwasyon, hindi naman ito inaangkin, pagka’t ito pa ay pinapasa sa iba, na kung saan ang kamalian ay nasa kanya lamang. 

Ang mga umuupo sa gobyerno ng Pilipinas ay mahihilig
maghugas kamay. Tayo rin ba ay ganito sa ating
pamamaraan na hindi lang natin
napapansin at nalalaman?
Hugas kamay ni Hermana Penchang, Clemente, at Tinyente ng mga Guardia Civil ang mga naganap sa kwentong El Filibus Terismo na isinulat ni Rizal bilang pangalawang yugto sa buhay ni Crisostomo Ibarra na si Simoun na sa pangalawang libro. Ang paghuhugas kamay ng mga tauhan sa kwento ay ihinahahalintulad sa mga Pilipino na kung saan mahilig maghugas kamay sa mga bagay bagay, lalo’t-lalo na kapag nalagay na sa alanganin ang pangalan ng bawat isa. 

Maraming departamento sa ating lipunan ang naghuhugas-kamay kapag sila na ay nadudahan, maraming Pilipino ay gayundin ang ginagawa, datapawa’t ito’y umiikot lamang sa ating paligid. 

Matanong mo sa sarili mo, nagawa mo na bang maghugas-kamay mapalinis lang ang pangalan mo sa harapan ng madla, o ninumang nagtatanong sa’yo? Kung ang sagot mo ay oo, ikaw ay isa sa mga Pilipino na pangalan lang ang pinapaganda, ayaw mong tanggapin ang iyong pagkakamali. Kagaya ka rin sa mga taong nakaupo sa gobyerno na kung saan, sila’y mahilig maghugas-kamay para lang maging maganda ang        kanilang pangalan. 

May pagkakataon sa buhay natin, na ayaw natin masira ang ating pangalan, pagka’t ito nalang ang ginagawa natin upang matakpan ang tinatago sa buhay. Ang pagiging ganito, sa tingin mo, may maitutulong ba sa ekonomiya ng bansa? Bakit pa ba tayo nagrereklamo sa mga mahilig maghugas-kamay sa ating gobyerno, na tayo naman ay kapareho lang sa kanila? Bakit kaya mahilig tayong humusga sa iba, pagka’t hindi natin nakikita ang ating sarili na lubha pa sa ating pinagtutuunang pansin?

Mga Pilipino talaga, mahilig maghusga sa kapwa, na kinakalimutan na tingnan ang sarili kung kabilang rin ba sa hinuhusgahan. Magaling lang tayo tumingin sa iba, nakalimutan na natin humarap sa salamin, kung tayo nga ba ay malinis, pagka’t iba na ating inaatupag sa buhay. Marahil marami tayong inaabala, mas lalo na pala tayong nakakasama sa ating mga paraan, maaring sa pamilya, sa pamayanan o sa bansa. 

Tayo ay dapat maging responsable sa ating mga sarili, tingnan natin ang ating kalagayan, kung tayo nga ba ay totoo. Hindi sa lahat ng oras, iba ang ating aatupagin, pagka’t tayo ay may buhay ng sa atin, at sila rin ay may buhay sa kanila. Makakahalubilo lang tayo sa bawat isa, kapag mayroon ng pagkakaintindihan at pag-aayos ng sarili para sa ikabubuti ng bayan.

Hindi agad-agarang mabigyan solusyon ang problema sa bansa na kung saan ang mga politiko na nasa bansa ay korap at mahilig maghugas kamay. Mahihinto lamang ito, kapag ang bawat tao sa bansang ito, ay marunong tumingin muna sa salamin, at alamin ang pagkukulang upang mabigyan pansin at maayos, dito makikita natin ang progresibong bansa pagka’t ang mga Pilipino ay matapat at may ugaling inaatupag muna ang sarili bago ang iba.

Ang mga bagay-bagay ay nagsisimula sa bawat isa sa atin, tayo ang nakabuo, kaya’t tayo rin ang makakaayos, makakabuti at makakagamit nito. Ang isang tao na marunong tumingin muna sa kanyang sarili, ay hindi matatakot na husgahan ng iba, pagka’t alam nila ang kanilang sarili. 

Si Pilato, na naghugas kamay sa pagpako sa krus ni Hesus, ay kagaya lang sa atin na kung saan naghuhugas-kamay sa ibang paraan. Kapag inilagay natin ang ating mga paa sa buhay ni Hesus, magsisigaw ba tayo ng hustisya? At kung tayo naman ay si Pilato, gagawin mo ba ang sinasabi ng mga tao na ipako sa krus si Hesus? 

May mga desisyon talaga sa buhay na kinakailangan mong pag-isipan, kung para sa marangal ngunit iba ang pananaw ng mga tao, o sa masama talaga ngunit ang mga tao ay nahuhumaling sa iyong galing na pagpili ng tamang desisyon na alam mo namang hindi.

Ang mga nangyari ay nangyari na, hindi na natin mababalikan at mababago ang nakaraan pagka’t ito’y nasa isipan nalang at memorya. 

Kung gustuhin man natin magbago, may pag-asa pa. Mababago lang natin ang mga ito, kapag tayo na ay titindig sa harapan ng mga tao ay magpapakita ng pagiging matapat at maayos na tao na hindi labag sa masasamang gawain sa mundong ito. Mahirap man gawin, ngunit ito ang nararapat. Magagawa natin ito. Kapag gusto, maraming paraan; kapag ayaw, maraming dahilan. 


Ang pagpipilian lamang ay kung magbabago ka para sa pagbabago ng bayan o hindi ka magbabago at walang pagbabago na mangyayari sa bansa. Ikaw ang magdedesisyon, para sa iyong ikabubuti at ikabubuti ng iyong kababayan. 



Photo Credits: http://bladimer.blogspot.com/2013_05_01_archive.html

Mga Komento